Posted in Spoken Poetry

Lungkot

Bakit

Bakit nararamdaman kong patulo ang aking mga luha ngayong gabi

Bakit tila may lungkot sakin, ramdam ko saking dibdib

Bakit parang may dinadala ako na hindi ko ikakatulog ngayong gabi

Bakit
Bakit

Bakit ang aking isip ay magulo, di magawa ang dapat magawa

May tila bumabagabag sakin at may bumubulong na sinasabing ‘Sige, iiyak mo na lang yan’

Ngunit bakit ako’y hindi masaya?

Halos ang nararamdaman ko sa sarili ko ay awa

Awa  na agad nagkakaroon ng kaibigan dahil ngiti ay dala ko sa tuwing bagong tao aking muling nasasalamuha

Paano naging awa? 

Sino ba namang agad na nagkakaroon ng kaibigan sa ilang salita lamang, at tila hinahangad na ang taong nakakasalamuha ay habambuhay na mga karamay sa buhay

Pero bakit

Bakit tila hindi ako masaya
Dahil ba

Dahil ba hindi na katulad dati ang lahat

Dahil ba hindi ko na ginagawa ngayon ang mga dati kong nakasanayan

Dahil ba hindi ko na nakakasalamuha ng madalas ang mga taong nakakapagbigay ng ligaya sa akin sa nakaraan

Na sa tuwing kailangan ko sila, tila nawawala sila

Dahil ba magisa lang ako sa tuwing sasakay ako ng jeep, tulala at tila bibig ko’y tikom hanggang makauwi ng bahay

Naghahantay na lamang ng iba pang gawain paguwi sa bahay

Gawain na hindi ko ikinasasaya ngunit pilit na gagawin dahil kailangan

Ito ba ang tinatawag na magisa?
Gusto ko umiyak ngayong gabi alam nyo ba yon?

Oo, wala kayong pake pero gusto ko umiyak ngayon

Ngunit bakit….

Bakit nga ba…

Bakit nga ba ayaw tumulo ng aking mga luha…

Posted in Spoken Poetry

Maganda ako, mapanghusga ka lang.

Ganda

Salitang para sa lahat dahil lahat tayo meron nyan

Pero dahil sa mapanghusgang mata ng ilan

Eto’y para sa mga nabiyayaan lamang ng kinis at kaputian kahit ubod ka pa ng bait at karangalan

Kagandahan

Kagandahan na sana hindi dapat hinuhusgahan

Dahil kung pangit ako, pangit ka rin totoo yan

Biyaya ito ng Diyos, at ikaw rin kaya kung anong meron ako ay meron ka rin, tandaan mo yan

Ano ba

Ano ba ang kagandahan para sa iyo?

Sa iyo, na sabi mo basehan para masabi mo na ang kagahang meron sya ang dahilan para mahalin mo ang isang tao

Dahilan para hindi ako ang mahalin mo

Dahil ba pangit ako?
Pangit ka rin naman ha?
Oo nga pala likha tayo ng Diyos

Pero hindi tayo magkatulad

Magkatulad ng ugaling tingin ko hindi ka maging gwapo sa paningin ko
Totoo

Hindi ako katulad ng mga tinitingala mong mga babae na ubod ng ganda ngayon

Gandang hindi ako magiging sila masaklap ‘yon

Dahil ito ako

Nagpapakatotoo lang sayo
Sa mga isinambit mo na ako’y hindi kahali-halina

Dahilan na mas mahalin ko ang aking sarili dinaan ko sa aking mukha

Kaya’t ako’y nagpursigi at nagtiyaga

Naghanap ng mga bagay na hanggat maari makikita ko ang gandang hanggang kaya ko ay aking gagawin

Pahid dito pahid doon

Hugas dito, hugas doon

Hilamos dito, hilamos doon

Hanggang sa pinakamaliit na tigyawat na iyong pinandirian sakin ay handa kong kayurin, totoo yan
Ngunit

Ngunit mali ang aking ginagawa
Bakit ba ako nagpapaganda

Nagpapaganda ba ako para sa sarili ko o dahil nasaktan lang ako sa mapang husga mong mata?

Dapat kong baguhin ang aking pananaw at dahilan

Pagkat sa gabi gabing pagpilit saking sarili na dapat maging maganda sa paningin ng iba ang magiging pinakamasklap na gagawin ko sa aking sarili

Ako’y muling nagisip

Bakit sa mukha lang nasasambit ang salitang ganda

Tinutulungan at mabait ako sa iyo

Ngunit sa mga sinasambit mo parang sinaksak ako ng akala ko iniibig ako ngunit napapangitan sakin ang puta na ito
Sino ka ba

Tunay kang gago sa buhay ko

Hindi kita kailangan at wala akong kailangan patunayan sa iyo

Gusto sana kita

Kaso hindi mo alam ang totoong depinisyon ng ganda
Pero ito

Pero para sa sarili ko,

Naghahanda lang ako

Para sa oras na magkita tayo

Isa lang sasabihin ko sayo, WHO YOU

Oras lang hinahantay ko

Posted in Spoken Poetry

Wag basahin.

Pagibig

Pagibig nga ba ang sagot sa lahat

Kung nagiging blooming ang iba

Maiibsan nga ba ang aking kalungkutan

O malayo sa nakagisnang palaging mapagisa

Pagibig

Pagibig

Yakap na minsan hindi mo maintindihan kung bakit ko kailangan

Para saan

Mahimasmasan ang puso kong matagal na nagiisa o iniwan mong mag-isa?

 

Pagibig

Pagibig na walang sukatan

Ngunit bakit mayroong pamantayan

Bakit tila may humuhusga

Na ako mismo… Ako mismo hinusugahan ng tunay kong iniibig

May mali ba??

 

Pagibig

Pagibig na ubod ngpait

Pagibig na di ko alam bakit sakin pinagkakait kahit ako’y ubod ng bait

Parang kape, masarap pero di mawala ang pait

Ngunit tuwing siya’y may paramdam parang masisiraan ng bait, ngunit ako’t kakalma ng saglit

 

Oo IKAW

Ikaw na alam kong walang pakiramdam

Walang kaalamalam at walang pakialam

Dinedeny mo sa lahat na pag tayo’y magkatabi kahit ikaw ang unang tumabi, halos mandiri parang di mo maari

Dahilan upang isigaw ang putanginang feelings na yan bakit ba kasi nageexist di ko masabi

Alam kong meron ka, hindi ako assumera pagkat sa pagkakaibigan natin halos sa iyong mata, nadadama ko pero bakit parang sakin ay ayaw mo?

Dahil ba may pamantayan ang pagibig mo?

 

Oo nga noh

Sino nga ba ako?

Ako na dapat alayan ng ganyang uri ng kasiyahan

Kasiyahan na sa isang tao lang matatagpuan

Napapatawa kita, kita sa’yong mga mata

Kahit tingin mo sakin kaibigang hindi dapat inaalayan ng pagibig

 

Pagibig

Ako na iyong pinagtabuyan noon at siguro ay hanggang ngayon

Dahil may pamantayan ka ng dapat mong ibigin kaya ako’y nilayuan mo

Hindi mo na ako pinapansin

Wala ka ng kibo

Nilalaktawan ang mga salita at litrato ko sa tuwing hawak mo ang mouse patungo sa inpormasyon na alam ko… tumitingin ka pero takot ka

Dahil may pamantayan ka… pamantayan na di ko mapantayan

 

Ako?

Ako na wala sa kalingkingan ng iba

Ano ba ang kagandahan para sayo ano ba

Dukha ba ko sa paningin mo dahil hindi ako makinis, maganda at ganda na pangmalakasan, ganun ba?

Kaya’t pagibig kong pilit tinatago alam ko na alam mo

Pero dahil may pamantayan ka, alam kong ayaw mo

Dahil ayaw mo ng uri ng pagibig na meron ako, dahil sabi mo pangit ako.

Pero noon mo sinabi yon

Pero dala dala ko hanggang ngayon

Aaminin ko naging inspirasyon ko ang sakit na dulot mo at lait na galing sa mga labi mo

Ganito na ko, pero bakit hinihila parin ako ng nakaraan ko

Ikaw ang nakaraan ko.

Bakit hinihila mo ko kung hindi naman ako ang pamantayan mo.

 

Sino ka ba?

Sino ka upang ibaba ang tingin ko sa aking sarili

Bakit ganito ka!

Babalik, aalis at babalik ka

Pero ngayon halos nawala ka na

Bakit ganito ka na, parang hindi mo na ako kilala.

 

Naalala mo ba ang panahong iyon

Alam mo bang… may hinihintay ako.

Ngunit bwisit at rindi ang naramdaman ko ngunit sa tuwing titingin ka ngingiti lang ako

Ang sakit dahil wala kang salita

Mga salita na kailangan ko ng LINAW

Linaw na kung anong meron tayo noon

Na alam mo meron, ngunit ayoko lang laliman noon

 

Pero ngayon,

Ngayon na halos mulat na tayo sa lipunan

Lipunan na dinidikta na ang pagibig dapat magmahal ka lang sa maganda

Diba dapat ang pagmamahal ay para sa lahat

Oo hindi ako maganda

Pero tangina sabihin mo ano ba yang paramdam mo, pagibig ba o bored ka lang?!

 

Sana kung nababasa mo

Sana alam mo kung sino ka

Masakit sa akin na hanggang ngayon

Dala dala ko ang kahapon

Samantalang ikaw, nakakangiti sa litrato

At ako iniisip ko na bakit iniwan mo ko sa ere at sa tanong na ‘Anong meron tayo noon… at dala ko parin ito hanggang ngayon’

 

At kapag nagkita tayong dalawa

Ngingiti lamang, parang masaya

Invisible ka sa aking mata

Itatago ko na lamang sa sarili ko na siguro minahal kita

Pero alam ko bored lang ako pero seryoso ako… namimiss lang siguro kita

At ng buhok ko na sana ako’y muli mong trintasan.

 

Pero puta wag ka na magpakita.)

-H.