Posted in Spoken Poetry

Lungkot

Bakit

Bakit nararamdaman kong patulo ang aking mga luha ngayong gabi

Bakit tila may lungkot sakin, ramdam ko saking dibdib

Bakit parang may dinadala ako na hindi ko ikakatulog ngayong gabi

Bakit
Bakit

Bakit ang aking isip ay magulo, di magawa ang dapat magawa

May tila bumabagabag sakin at may bumubulong na sinasabing ‘Sige, iiyak mo na lang yan’

Ngunit bakit ako’y hindi masaya?

Halos ang nararamdaman ko sa sarili ko ay awa

Awa  na agad nagkakaroon ng kaibigan dahil ngiti ay dala ko sa tuwing bagong tao aking muling nasasalamuha

Paano naging awa? 

Sino ba namang agad na nagkakaroon ng kaibigan sa ilang salita lamang, at tila hinahangad na ang taong nakakasalamuha ay habambuhay na mga karamay sa buhay

Pero bakit

Bakit tila hindi ako masaya
Dahil ba

Dahil ba hindi na katulad dati ang lahat

Dahil ba hindi ko na ginagawa ngayon ang mga dati kong nakasanayan

Dahil ba hindi ko na nakakasalamuha ng madalas ang mga taong nakakapagbigay ng ligaya sa akin sa nakaraan

Na sa tuwing kailangan ko sila, tila nawawala sila

Dahil ba magisa lang ako sa tuwing sasakay ako ng jeep, tulala at tila bibig ko’y tikom hanggang makauwi ng bahay

Naghahantay na lamang ng iba pang gawain paguwi sa bahay

Gawain na hindi ko ikinasasaya ngunit pilit na gagawin dahil kailangan

Ito ba ang tinatawag na magisa?
Gusto ko umiyak ngayong gabi alam nyo ba yon?

Oo, wala kayong pake pero gusto ko umiyak ngayon

Ngunit bakit….

Bakit nga ba…

Bakit nga ba ayaw tumulo ng aking mga luha…

Posted in Spoken Poetry

Maganda ako, mapanghusga ka lang.

Ganda

Salitang para sa lahat dahil lahat tayo meron nyan

Pero dahil sa mapanghusgang mata ng ilan

Eto’y para sa mga nabiyayaan lamang ng kinis at kaputian kahit ubod ka pa ng bait at karangalan

Kagandahan

Kagandahan na sana hindi dapat hinuhusgahan

Dahil kung pangit ako, pangit ka rin totoo yan

Biyaya ito ng Diyos, at ikaw rin kaya kung anong meron ako ay meron ka rin, tandaan mo yan

Ano ba

Ano ba ang kagandahan para sa iyo?

Sa iyo, na sabi mo basehan para masabi mo na ang kagahang meron sya ang dahilan para mahalin mo ang isang tao

Dahilan para hindi ako ang mahalin mo

Dahil ba pangit ako?
Pangit ka rin naman ha?
Oo nga pala likha tayo ng Diyos

Pero hindi tayo magkatulad

Magkatulad ng ugaling tingin ko hindi ka maging gwapo sa paningin ko
Totoo

Hindi ako katulad ng mga tinitingala mong mga babae na ubod ng ganda ngayon

Gandang hindi ako magiging sila masaklap ‘yon

Dahil ito ako

Nagpapakatotoo lang sayo
Sa mga isinambit mo na ako’y hindi kahali-halina

Dahilan na mas mahalin ko ang aking sarili dinaan ko sa aking mukha

Kaya’t ako’y nagpursigi at nagtiyaga

Naghanap ng mga bagay na hanggat maari makikita ko ang gandang hanggang kaya ko ay aking gagawin

Pahid dito pahid doon

Hugas dito, hugas doon

Hilamos dito, hilamos doon

Hanggang sa pinakamaliit na tigyawat na iyong pinandirian sakin ay handa kong kayurin, totoo yan
Ngunit

Ngunit mali ang aking ginagawa
Bakit ba ako nagpapaganda

Nagpapaganda ba ako para sa sarili ko o dahil nasaktan lang ako sa mapang husga mong mata?

Dapat kong baguhin ang aking pananaw at dahilan

Pagkat sa gabi gabing pagpilit saking sarili na dapat maging maganda sa paningin ng iba ang magiging pinakamasklap na gagawin ko sa aking sarili

Ako’y muling nagisip

Bakit sa mukha lang nasasambit ang salitang ganda

Tinutulungan at mabait ako sa iyo

Ngunit sa mga sinasambit mo parang sinaksak ako ng akala ko iniibig ako ngunit napapangitan sakin ang puta na ito
Sino ka ba

Tunay kang gago sa buhay ko

Hindi kita kailangan at wala akong kailangan patunayan sa iyo

Gusto sana kita

Kaso hindi mo alam ang totoong depinisyon ng ganda
Pero ito

Pero para sa sarili ko,

Naghahanda lang ako

Para sa oras na magkita tayo

Isa lang sasabihin ko sayo, WHO YOU

Oras lang hinahantay ko

Posted in Spoken Poetry

Wag basahin.

Pagibig

Pagibig nga ba ang sagot sa lahat

Kung nagiging blooming ang iba

Maiibsan nga ba ang aking kalungkutan

O malayo sa nakagisnang palaging mapagisa

Pagibig

Pagibig

Yakap na minsan hindi mo maintindihan kung bakit ko kailangan

Para saan

Mahimasmasan ang puso kong matagal na nagiisa o iniwan mong mag-isa?

 

Pagibig

Pagibig na walang sukatan

Ngunit bakit mayroong pamantayan

Bakit tila may humuhusga

Na ako mismo… Ako mismo hinusugahan ng tunay kong iniibig

May mali ba??

 

Pagibig

Pagibig na ubod ngpait

Pagibig na di ko alam bakit sakin pinagkakait kahit ako’y ubod ng bait

Parang kape, masarap pero di mawala ang pait

Ngunit tuwing siya’y may paramdam parang masisiraan ng bait, ngunit ako’t kakalma ng saglit

 

Oo IKAW

Ikaw na alam kong walang pakiramdam

Walang kaalamalam at walang pakialam

Dinedeny mo sa lahat na pag tayo’y magkatabi kahit ikaw ang unang tumabi, halos mandiri parang di mo maari

Dahilan upang isigaw ang putanginang feelings na yan bakit ba kasi nageexist di ko masabi

Alam kong meron ka, hindi ako assumera pagkat sa pagkakaibigan natin halos sa iyong mata, nadadama ko pero bakit parang sakin ay ayaw mo?

Dahil ba may pamantayan ang pagibig mo?

 

Oo nga noh

Sino nga ba ako?

Ako na dapat alayan ng ganyang uri ng kasiyahan

Kasiyahan na sa isang tao lang matatagpuan

Napapatawa kita, kita sa’yong mga mata

Kahit tingin mo sakin kaibigang hindi dapat inaalayan ng pagibig

 

Pagibig

Ako na iyong pinagtabuyan noon at siguro ay hanggang ngayon

Dahil may pamantayan ka ng dapat mong ibigin kaya ako’y nilayuan mo

Hindi mo na ako pinapansin

Wala ka ng kibo

Nilalaktawan ang mga salita at litrato ko sa tuwing hawak mo ang mouse patungo sa inpormasyon na alam ko… tumitingin ka pero takot ka

Dahil may pamantayan ka… pamantayan na di ko mapantayan

 

Ako?

Ako na wala sa kalingkingan ng iba

Ano ba ang kagandahan para sayo ano ba

Dukha ba ko sa paningin mo dahil hindi ako makinis, maganda at ganda na pangmalakasan, ganun ba?

Kaya’t pagibig kong pilit tinatago alam ko na alam mo

Pero dahil may pamantayan ka, alam kong ayaw mo

Dahil ayaw mo ng uri ng pagibig na meron ako, dahil sabi mo pangit ako.

Pero noon mo sinabi yon

Pero dala dala ko hanggang ngayon

Aaminin ko naging inspirasyon ko ang sakit na dulot mo at lait na galing sa mga labi mo

Ganito na ko, pero bakit hinihila parin ako ng nakaraan ko

Ikaw ang nakaraan ko.

Bakit hinihila mo ko kung hindi naman ako ang pamantayan mo.

 

Sino ka ba?

Sino ka upang ibaba ang tingin ko sa aking sarili

Bakit ganito ka!

Babalik, aalis at babalik ka

Pero ngayon halos nawala ka na

Bakit ganito ka na, parang hindi mo na ako kilala.

 

Naalala mo ba ang panahong iyon

Alam mo bang… may hinihintay ako.

Ngunit bwisit at rindi ang naramdaman ko ngunit sa tuwing titingin ka ngingiti lang ako

Ang sakit dahil wala kang salita

Mga salita na kailangan ko ng LINAW

Linaw na kung anong meron tayo noon

Na alam mo meron, ngunit ayoko lang laliman noon

 

Pero ngayon,

Ngayon na halos mulat na tayo sa lipunan

Lipunan na dinidikta na ang pagibig dapat magmahal ka lang sa maganda

Diba dapat ang pagmamahal ay para sa lahat

Oo hindi ako maganda

Pero tangina sabihin mo ano ba yang paramdam mo, pagibig ba o bored ka lang?!

 

Sana kung nababasa mo

Sana alam mo kung sino ka

Masakit sa akin na hanggang ngayon

Dala dala ko ang kahapon

Samantalang ikaw, nakakangiti sa litrato

At ako iniisip ko na bakit iniwan mo ko sa ere at sa tanong na ‘Anong meron tayo noon… at dala ko parin ito hanggang ngayon’

 

At kapag nagkita tayong dalawa

Ngingiti lamang, parang masaya

Invisible ka sa aking mata

Itatago ko na lamang sa sarili ko na siguro minahal kita

Pero alam ko bored lang ako pero seryoso ako… namimiss lang siguro kita

At ng buhok ko na sana ako’y muli mong trintasan.

 

Pero puta wag ka na magpakita.)

-H.

 

 

 

Posted in diary

Vacation? Really?!

Some people i’ve seen on my Facebook, smiling and having fun with all their beaches, pools and enjoying their happy life unlike on my situation now, sitting infront of electric fan, lying on my banig and listening to some Mariah Carey’s songs. I was thinking for what i’ve done today and yup having fun with my good friend for 11 years already, Jilliane and Im glad we’re still friends. And after that I sat again infront of my computer and doing random thinhs on my Facebook, thanking Pet City and Criminal Case and it keeps me busy, also to YouTube and itsjudysife vlogs! And my routine repeats, i dont really complain and begging for a grand life like what others experiencing this summer, its just that I just want to do SOMETHING, WHICH IS I DO NOT KNOW. Im just sick of this summer life. And yup on my studies, im doing well “though”, but in some reasons i have to transfer on different school for me to continue my degree being an accountant and be a CPA. With all these problems I know that He has plans for me. 

Im not afraid for all the consequences that i will encounter because God’s there and Ill just do my BEST to make my goals became REAL.

But im having trouble with all the people who surrounds me, Yup! College really taught me how to differentiate a friend and a true friend. College taught me how to be independent and have a strong decision. Im so happy that I gained much when it comes to wisdom and experiences and there’s me having my own vision. College taught me how to be introvert… college really do. Ill do list and WHYs of what college taught me. But now I have to change my music… ughhh Work by Rihanna is playing. Bye.

-hazel

Posted in Uncategorized

That’s life.

Its been a while since I blogged and i’m very thankful that blogs exists for me to share my thoughts (though no one cares) and express myself about everything.

 

12715811_1002842879786044_949301707912014021_n

 

Feeling happy cuz last Thursday, it was our chance to see each other again and talk about everything cuz its been a month since we see each other again, probably its been a year because college. And i’m very glad because I just realized that friends will always be friends, and friends are my family. Lucky to have them especially on my situation now that I want someone or people who will support me and my sillyness and will call back when I need them. Love you guys!!!  #TM4

(Forgive me magtatagalog muna ako)

 

BABALA (asawa ni.. BABALU)

Im generally talking about EVERYTHING at hindi to romantic hugot

May mga bagay kasing akala mo lang. Akala mo pinapahalagahan ka, pinapriority ka, mga taong akala mo minamahal ka pabalik at yung akala mong mga kaibigan mo, akala lang pala. Mga andyan lang pag sa saya pero hindi sa lungkot at hinagpis (wow lalim). Kilala ka lang pag masaya ka’t maligaya pero kapag keilangan mo ng tulong ng iba kahit man lang icomfort ka dahil alam nilang may pinoproblema ka, halos hinahayaan ka na lang na nagmumukmok, nananahimik at worst pa ang hindi ka pansinin dahil sa mga akala nilang galit ka at moody ka.

 

“Totoo ngang bilang na lang ang matatawag mong kaibigan sa mundo.”

 

For now, i want to thank these people whom I met when I was in highschool, treating me like I BELONG and never let me feel alone. After 2 years of friendship, keep in touch parin tayo and we still exchanging some HAHAHAs on groupchat. Alam kong andyan kayo palagi para sakin kahit nagkahiwa-hiwalay na tayo.

 

PAYO NG BAKLA NG TAON,

Love your true friends guys, never let them go, when they need you never snobbed them. Always be available to them kasi ang totoong kaibigan kasama man sa ligaya, dapat sa lungkot din dahil alam mong hindi lang kaibigan ang turing sa kanya kundi para nang kapatid or ka-pamilya. Hindi nasusukat sa taon and pagkakaibigan, sa trust, loyalty and memories nasusukat yan. Kaya love yourself and those who love you. Pag may nagmamahal sayo ng totoo, mahalin mo rin ng higit pa sa pagmamahal nila at kapag sa tingin mong hindi ka naman pinapahalagahan bilang kaibigan, hayaan mo at paramdam mo na lang na andyan ka lang din naman dahil ang friendship walang breakup yan. Eternal relationship yan and tamang pakikisama lang. Treat them good as they treat you better.

Kahit ang mundo ay idinadaan na lamang sa pera para sa saya, pero sa totoong pangangailangan hindi naman lahat ay naghahangad ng yaman, pera o materyal sa ibang tao.. Dahil ang totoong kaibigan, dadamayan ka, hindi ka iiwan, hindi ka pagdadamutan sa lahat ng bagay, hindi mo mararamdamang OP ka, hindi mo mararamdamang mag-isa ka, kadamay mo sa lahat ng kalokohan, tutulungan ka sa lahat ng bagay, pag nakita kang malungkot, dadamayan ka at papayuhan ka’t gagawin ang lahat ngumiti ka lang, pinagkakatiwalaan ka at higit sa lahat hindi ka hahayaang magmukang tanga… ng mag isa 🙂

 

God bless everyone! Stay to those people who will give you strength not giving you some negative and pessimist shits.

Posted in Uncategorized

Thoughts 2016…

Something to nothing…

In my age, I’ve been experiencing exceptionable things from my ups and downs. I couldn’t imagine these things why is it happening to me, i keep on doing my things and yet it’s still not enough for me to handle my life good. I can laugh still but i’m not  happy, why? Should I find my happiness and just depend on what it will give satisfaction on my nerves or should I just be patient for what I am experiencing today. School problems, expired inspirations, low self esteem and super down ako ngayon emotionally, and i think that’s enough for me to say that problems should be forgotten by laughing out loud with my bitchy friends but it will be memorable.

 

Nothing to something…

In my 17 years of existence, i can say that i’m a little bit strong to handle stuffs (yes, stuffs cuz stuffs are nonsense things) and how to easily cry-sleep-moveon-eat cycle when it comes to life.

Life should go on, and stress will kill you and that’s what i learn last 2015.

And when stress really loves you, love them back, why? because all things that we loved, will be gone and vanished like a thin bubble on the air.

 

(apply cold water to the burn area)

 

Hello 2016! So far, it’s good though i already feel like i’m already experiencing REALITY. Maybe i should try to change?! Cuz i’m already on my way to womanhood (yaiks!) (i wish I can make it) and womanhood has a responsibility in life and be a Pia Wurtzbach in life, CONFIDENTLY BEAUTIFUL WITH A HEART ♥

 

giphy (1).gif